Here’s an attempt at translating into Tagalog the warning posted in the official Emgoldex online store website…
First of all, here’s the URL of the page at Emgoldex.com
http://www.emgoldex.com/gold-news/read.php/illegal-activity-on-behalf-of-the-emgoldex-company
Now here’s an attempt at Tagalog translation (fair use):
Mga Ilegal Na Gawain Sa Ngalan Kuno Ng Emgoldex Company
Isang mahalagang babala mula sa Emgoldex
Mahal naming mga kostumer at inaasahan naming kliyente ng Emgoldex online store,
Ipinaaabot namin sa inyo na ang online tindahan ng Emgoldex company na nagbebenta ng ginto, at may opisyal na website sa http://www.emgoldex.com ay ang bukod tangi at opisyal na tindahan ng Emgoldex, na siyang may hawak ng tamang impormasyon at beripikadong balita ukol sa kumpanya.
Ang online tindahan ng Emgoldex ang nagpapalakad ng kanyang aktibidades sa buong mundo.
Nais namin kayong bigyan ng babala, na sa kasamaang palad ay may mga taong sumusubok na mag-alok ng kanilang mga gawain o serbisyo sa ngalan kuno ng nag-iisang opisyal na online store ng Emgoldex.
May mga di makatarungang tao na ginagamit ang pangalan ng Emgoldex, para ilinlang o lokohin ang ibang kostumer at potensyal na kliyente ng online store ng Emgoldex.
Kinukuha nila ang impormasyon ukol sa mga produkto at serbisyong nakalista sa opisyal na website ng Emgoldex online store, at iniiba nila ang tunay na kahulugan nung impormasyon para manloko ng ibang tao, para lamang sa kanilang pansariling benepisyo at bulsa.
Ang ilan sa mga panlolokong ginagawa nila ay ang pagbibigay ng mga pangakong kikita ka nang mabilis, at napakalaking balik ng perang ibibigay mo.
Yung iba rin po ay tumatanggap ng pera ng mga potensyal na kliyente, kapalit ang pangakong gagawan sila ng mga website na kamukha nung estilo at disenyo ng opisyal na website ng Emgoldex online store, ngunit mali-mali ang impormasyon na ilalagay duon.
Bukod dito, pinapalabas pa nila na sila o ang mga kinasasapian nila ay mga empleyado ng Emgoldex at ng Emgoldex online store.
Balewala ang online store ng Emgoldex sa mga gawain nitong mga kumpanya o mga indibidwal. Nagkakalat sila ng maling impormasyon sa kani-kanilang mga bansa sa tulong ng Internet, social networks at media. Ang mga gawain nila ay nagbibigay ng huwad na paglalarawan ng kumpanya, at nakapaglilinlang ng mga kostumer at mga opisyal.
Babala: Tandaan mo na una, ang kliyente ng Emgoldex ay hindi empleyado ng kumpanya; at pangalawa, walang kinalaman ang online store ng Emgoldex sa anumang sistema ng mabilis na pagyaman.
Nirerekumenda po namin na huwag kang basta bastang maniniwala sa impormasyong galing sa mga taong hindi naman direktang kunektado sa Emgoldex. Tingnan ang opisyal ng website ng Emgoldex online store sa http://www.emgoldex.com
Siguraduhing pag-aralan nang mabuti ang impormasyon ukol sa pag-proseso ng mga legal na transaksyon at pagbibili sa online store, pati na rin ang mga paraan sa pagbayad para sa mga gold bars.
Suriin nang mabuti ang mga kondisyones ng marketing program, at kung paano makatatanggap ng mga bonus sa online store mula sa pag-order at pagrekumenda ng pagbili ng ginto.
Kung may mga katanungan, dumulog po kayo sa Customer Support dun sa opisyal na website ng Emgoldex.
Tatanawan po namin kayo ng utang ng loob kung agad-agad ninyong kokontakin ang Customer Support ng online store ng Emgoldex, kung sakaling makaharap ninyo ang pagbibigay ng di makatotohanang impormasyon mula sa mga indibidwal o kumpany na gumagamit lamang ng pangalan ng Emgoldex, na labag sa mga alituntunin at patakaran na nakasulat sa opisyal na website.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa anumang dokumentasyon, biswal o audio-biswal na prueba na magpapatunay sa mga ganung gawain.
[end of attempted translation into Tagalog]