Some friends who are interested in Ignition Marketing are unable to quickly get started because they’re still looking for P2,999.
Here’s a guide for you…
Read “The Game of Life” (any 3 pages, once a week, every week… that’s only 5 minutes a week) because this will help inspire you to SUCCEED!
The Game of Life ebook (download PDF):
http://traffic.libsyn.com/mannyviloria/thegameoflife.pdf
Audio – Tagalog version – Chapter 1: Ang Laro
MP3 Download link: http://traffic.libsyn.com/mannyviloria/mv-game-of-life-01.mp3
Audio – Tagalog version – Chapter 2: Ang Batas ng Kasaganaan
MP3 Download: http://traffic.libsyn.com/mannyviloria/chap2-TGOL-Manny-Viloria.mp3
Text of Chapter 2 (Tagalog version)
Kabanata 2: Ang Batas ng Kasaganaan
“Yea, the Almighty shall be thy defense and thou shalt have plenty of silver.”
Job 22:25
At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo.
Ang isa sa mga pinakabantog na mensahe na ipinaapaabot ng banal na kasulatan sa buong sanlibutan ay ito: Ang Diyos ay nagtutustos sa tao. At kayang makuha ng tao, sa tulong ng kanyang binigkas na salita, ang lahat ng bagay na naaayon sa kanya. Ngunit kailangang may perpektong pananalig siya sa kanyang binigkas na salita.
Sabi ni Isaias (Isa 55:11)
Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.
Alam na natin ngayon, na ang mga binibigkas at iniisip natin ay mga matinding pwersa o vibratory force, na humuhubog sa ating katawan at mga pinag-kakaabalahan.
May lumapit na babaeng naliligalig at nagigipit, at sinabi niya sa akin na ide-demanda siya sa ika-labinlima ng buwan sa halagang $3,000.
Wala siyang alam na paraan para malikom ang ganung pera, at nawawalan na siya ng pag-asa.
Sinabi ko sa kanya na sa Diyos magmumula ang pantustos, at may maibibigay sa bawat pangangailangan.
Kaya… binigkas ko ang salita! I spoke the word!
Nagpasalamat ako na makatatanggap yung babae ng 3,000 dollars, sa tamang panahon, at sa tamang paraan.
Sinabi ko sa kanya na kailangang may perpektong pananampalataya siya, at dapat siyang kumilos batay sa kanyang pananampalataya.
Dumating ang ika-labinlima ng buwan, ngunit wala pa ring pera yung babae.
Tinawagan niya ako sa telepono at nagtanong kung ano ang dapat niyang gawin.
Sinagot ko siya ng: “Sabado ngayon, kaya hindi ka nila hahablahin ngayong araw. Ang papel mo sa buhay ay umarte o kumilos mayaman, bilang prueba na may perpektong pananalig ka na matatanggap mo yung 3000 dollars sa Lunes.”
Inimbita niya akong mananghalian kasalo siya para lumakas ang loob niya.
Nung sinamahan ko siya sa restawran, sinabi ko na hindi iyon panahon para mag-tipid. Mag-order ka ng mamahaling pagkain, at kumilos ka na parang natanggap mo na yung 3000 dollars.
“All things whatsoever ye ask in prayer, believing, ye shall receive.”
Matt 21:22
At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.
Mark 11:24
Kaya’t sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.
“You must act as if you had already received.”
Kinaumagahan, tinawagan niya ako sa telepone at hiniling na samahan ko siya. Sinabi ko: “Hindi… Ikaw ay divinely protected at hindi nahuhuli ang Diyos.”
Pagdating ng gabi, tumawag muli siya. Excited na excited siyang nagkwento.
“Isang milagro! Nakaupo ako sa kwarto ko kaninang umaga nung nag-ring ang door-bell. Sinabihan ko ang aking kasambahay na huwag papasukin ang sinuman.”
Pero dumungaw sa bintana ang kasambahay ko at sinabi niya: “Pinsan po ninyo na may mahaba at puting balbas.”
Kaya sinabi ko: “Habulin mo at sabihin mong gusto ko siyang makita.”
Nasa may kanto na siya nung narinig niya ang tawag ng aking kasambahay, at bumalik siya sa bahay.
Nag-kwentuhan kami ng halos isang oras, at nung papaalis na siya ay biglang nagtanong ng: “Siyanga pala, kumusta na ang finances mo?”
Sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng pera, at sumagot siya ng: “Naku, dear… Bibigyan kita ng 3000 dollars sa susunod na buwan.”
Hindi ko gustong sabihin sa kanya na ide-demanda na ako. Ano ang gagawin ko? Ibibigay niya sa akin ang pera next month pa, pero kailangan ko na ito bukas, Lunes.
Sinabi ko sa kanya na ipagpatuloy niya ang kanyang pagdarasal.
Dinagdag ko na: “Hindi nahuhuli ang Espiritu. Nagpapasalamat ako na natanggap niya ang pera sa mundong hindi nakikita, at ito’y magpapakita sa tamang panahon.”
Kinabukasan, tinawagan siya ng kanyang pinsan (yung si Puting Balbas), at sinabing: “Pumunta ka sa aking opisina ngayong umaga, at ibibigay ko sa ‘yo ang pera.”
Nung hapong iyon, may 3000 dollars sa kanyang bank account, at nagsulat siya ng mga checke na simbilis ng kanyang excitement.
Kapag humingi ang isa ng tagumpay, ngunit naghanda siya para sa pagkabigo, matatanggap niya ang sitwasyon na kanyang pinahandaan.
Halimbawa: May lumapit sa akin na lalaking humiling na magbigkas ako ng salita (o mag-Speak the Word) na ang kanyang utang ay mabura.
Nalaman ko na gumugol siya ng oras upang magplano kung ano ang sasabihin niya sa pinag-kakautangan niya kapag hindi niya binayaran ang kanyang utang, kaya kinontra niya ang aking mga salita.
Ang dapat niyang ginawa ay sana ini-magine niya ang sarili niyang nagbabayad ng kanyang utang.
May napakahusay na halimbawa po tayo nito sa bibliya, tungkol sa tatlong hari na nasa disierto, na walang tubig para sa kanilang mga tao at mga kabayo.
Kumunsulta sila sa propetang si Elisha, na nagbigay sa kanila nitong nakamamanghang mensahe:
“Thus saith the Lord — Ye shall not see wind, neither shall ye see rain, yet make this valley full of ditches.”
2 Kings 3:17
Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo’y hindi makakakita ng hangin, ni kayo’y makakakita man ng ulan; gayon ma’y punuin ninyo nitong lambak ng mga kanal.
Kailangang paghandaan ang bagay na hinihingi natin, kahit wala pa tayong nakikitang ni katiting na hudyat o prueba nito.
Halimbawa… May isang babae na nangailangan ng apartment nung taon na may kakulangan o shortage ng mga apartment sa New York. Para sa karamihan, halos imposible nang makahahanap pa ng apartment nung panahon na iyon.
Medyo nalulungkot na nga para sa kanya ang kanyang mga kaibigan, at sabi nila: “Sayang naman… Kailangan mong ilagay ang furniture mo sa Storage Area, at tumira ka na lang sa hotel.”
Ang sagot niya: “Huwag na kayong malungkot para sa akin. Ako si Superman, at makakakuha ako ng apartment.”
Sinabi niya ang mga sumusunod na salita: “Infinite Spirit, open the way for the right apartment.”
“Infinite Spirit, buksan mo ang daan para sa nararapat na apartment.”
Alam niya kasi na may tutustos sa bawat pangangailangan, at alam din niya na sa mundong espiritwal ay walang kundi-kundisyon, at naalala niya ang quotable quote na: “one with God is a majority.”
Naisip niya minsan na bumili ng mga bagong kumot, nang ang Manunukso o The Tempter, yung salungat na ideya na bigla na lang pumapasok sa isipan ay nag-suggest na:
“Huwag ka nang bumili ng kumot, kasi hindi ka naman makakakuha ng apartment, at hindi mo rin naman magagamit ang mga bagong kumot.”
Agad-agad niyang sinabi sa sarili niya: “Maghuhukay ako ng mga kanal (tulad nung mga hari sa disierto)! Bibilhin ko ang mga kumot!”
Kaya naghanda siya para sa mga apartment. Kumilos siya na para bang nasa kanya na yung apartment.
Ang ending ay… nakahanap siya ng apartment sa isang milagrosong paraan, at ito’y ibinigay sa kanya kahit may kasabay siya na higit pa sa dalawang daang ibang aplikante.
Ang pagbili niya ng kumot ay nagpakita na siya ay may Aktibong Pananampalataya, o Active Faith.
Di na natin kailangan i-spellingin pa na yung mga kanal na inihukay nung mga hari sa disierto ay napuno ng tubig. Basahin ang 2nd Book of Kings sa bibliya.
Ngayon… para sa pangkaraniwang tao, hindi madali ang pumasok sa mga espiritwal na bagay. Ang mga kalabang pag-iisip ng Duda at Takot ay sumusugod mula sa Subconscious.
Sila ang hukbo ng mga alien, kumbaga, na dapat paalisin. Kaya tuloy naririnig natin ang mga salitang “darkest before the dawn.” Pinakamadilim bago mag bukang liwayway.
Ang isang malaking demonstrasyon o pagpapakita ay madalas pinangungunahan ng mga nakaliligalig na pananaw.
At kapag nagsalita po tayo ng isang Espiritwal na Katotohanan, hinahamon natin ang mga makalumang ideya sa subsconscious.
Ito ang panahon kung kailan dapat paulit-ulit na sabihin ang mga patotoo o Affirmations of Truth, at magdiwang at magpasalamat na nasa atin na ang mga hinihiling natin.
“Bago ka pa tumawag, sasagot na ako.”
Ang ibig sabihin po nito ay ang bawat mabuti at perpektong regalo ay atin na, at hinihintay lang ng mga ito ang ating pagkilala sa kanila.
Matatanggap lang ng tao ang mga bagay na nai-imagine o nakikita niyang natatanggap niya.
Sinabi sa mga anak ng Israel na maaari nilang makuha ang lahat ng kalupaan na kaya nilang makita.
Ito ay totoo para sa bawat tao. Nasa kanya lamang ang lahat ng lupa na matatagpuan sa kanyang Pananaw sa Isip, o mental vision.
Bawat obra maestra, bawat kapuna-punang gawain, ay naisakatuparan sa pamamagitan ng walang puknat o tuluy-tuloy na pag-isip sa Pananaw o vision.
At kadalasan, bago makamit ang ating kagustuhan, lumalapit muna ang huwad na pagkabigo at panlulumo o discouragement.
Nung ang mga anak ng Israel ay dumating sa Promised Land, o ang Lupang Ipinangako, takot silang pumasok.
May mga sabi-sabi na puno ito ng mga higante, kung kaya’t sa kanilang sariling paningin, mga munting tipaklong o grasshopper lamang ang mga sarili nila.
Ganito ang karanasan ng halos lahat ng tao.
Ngunit ang taong nakakaunawa ng Spiritual Law o Batas Espiritwal, ay hindi naliligalig sa mga hitsura o panlabas na anyo.
At nagdidiwang pa nga siya habang mukhang dehado siya.
Paano siya nagdidiwang? Paulit-ulit niyang iniisip at pinasasalamatan na natanggap niya yaong bagay na gusto niyang makamit.
May magandang halimbawa nito si Hesukristo, nung sinabi niya sa kanyang mga disipulo:
“Say not ye, there are yet four months and then cometh the harvest? Behold, I say unto you, lift up your eyes and look on the fields; for they are ripe already to harvest.”
John 4:35
“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin.”
Ang Kanyang malinaw na pananaw ay tumagos sa mundo ng mga bagay, at kitang-kita niya ang “Fourth Dimensional World”, ang tunay na anyo ng mga bagay, perpekto at kumpleto sa Divine Mind o Kaisipan ng Diyos.
Kaya dapat nating iniisip palagi ang dulo ng ating destinasyon o patutunguhan, at hingin ang katuparan ng mga bagay na natanggap na natin. Maaari ito maging perpektong kalusugan, pantustos, pagpapahayag ng sarili o self-expression, tahanan, o mga kaibigan.
Lahat na mga ito ay mga kumpleto at perpektong mga ideya, na nakarehistro sa Divine Mind (o ang ating Superconscious Mind), at ang mga ito ay darating hindi papunta sa atin, pero dahil sa atin.
All these must come THROUGH him, not to him.
Halimbawa… May lumapit sa aking lalaki na humihingi na treatment para sa Success.
Kailangang-kailangan niyang makalikom ng fifty thousand dollars para sa kanyang negosyo.
Malapit na ang deadline, at nawawalan na siya ng loob.
Walang gustong mag-invest sa kanyang business, at ayaw siyang bigyan ng loan ng bangko.
Ang sabi ko: “Siguro nag-init yung ulo mo nung nasa bangko ka. Kaya nawala ang inyong Power. Mako-kontrol mo ang kahit anong sitwasyon, kung una mong kontrolin ang sarili mo.”
“Bumalik ka sa bangko,” dagdag ko, “at sisimulan ko ang Treatment (o ang pagbigkas na mga salita).”
Heto ang mga ibinigkas ko: “You are identified in love with the spirit of everyone connected with the bank. Let the divine idea come out of this situation.”
Ang sagot niya: “Imposible yang sinasabi mo. Sabado bukas. Nagsasara ang banko ng tanghali, at ang tren ko ay aabot duon ng 10am pa, tapos bukas na ang deadline. Tsaka, hindi na ako tutulungan ng bangko. Huli na ang lahat.”
Ang sabi ko: “Hindi kailangan ng Diyos ng kahit anong oras, at hindi pa huli ang lahat. Sa Kanya, lahat ng bagay ay posible.”
Dagdag ko: “Wala akong alam sa negosyo, pero alam ko ang tungkol sa Diyos.”
Ang sabi niya: “Masarap po kayong pakinggan habang nakaupo ako rito, pero kapag lumabas na ako, mahirap na.”
Taga malayong siyudad siya, at isang linggo kaming hindi nag-usap.
Tapos may dumating na sulat. Heto ang sabi nito:
“Tama ka pala. Nakakuha ako ng pera, at hindi ko na pagdududahan ang katotohanan ng lahat ng mga sinabi mo sa akin.”
Pagkaraan ng ilan pang linggo, nakita ko siya kaya tinanong ko:
“Anong nangyari? Mukhang may sapat na panahon ka pala.”
“Ah, na-late yung tren ko. Umabot ako sa bangko, 15 minuto bago mag 12. Tahimik akong pumasok sa bangko at sinabi: ‘Dumating po ako para sa bank loan’ at ito’y ibinigay nila sa akin nang walang tanong.”
Iyon ang huling 15 minutes nung natitirang oras para sa kanya, at hindi nahuli ang Infinite Spirit.
Sa sitwasyong ito, hindi ito magagawa nung lalaki nang mag-isa. Kailangan niya ng tulong ng iba, para isipin palagi ang Vision, o yung bagay na gusto niyang makuha. Ito ang pwede nating gawin para sa isa’t isa.
Alam ni Hesukristo ang katunayan nito nung sinabi niya:
“If two of you shall agree on earth as touching anything that they shall ask, it shall be done for them of my Father which is in heaven.”
Matt 18:19
“Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito’y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit.”
Masyadong malapit ang tao sa kanyang sariling mga gawain, at siya’y napupuno ng pandududa at takot.
Sa kabilang dako naman, ang isang kaibigan o healer ay kayang matanaw ang tagumpay, kalusugan, o kasaganaan. Hindi siya nalalapitan ng duda o takot, sapagkat malayo siya sa sitwasyon.
Mas madaling mag demonstrate o magpahayag para sa iba, kaysa sa para sa sarili, kaya huwag po tayong mag-atubiling humingi ng tulong sa iba, kung pakiramdam natin ay nauunahan na tayo ng duda at takot.
Sabi nga ng iba: “Walang taong mabibigo, kung ang sa tingin ng ibang tao ay successful siya.”
Yan ang kapangyarihan ng Vision, at maraming mga successful na tao ay nakamit ang tagumpay sa tulong ng kanilang asawa, kapatid, o kaibigan na nanalig sa kanya, nag-believe sa kanya, at solid na solid ang pag-isip nila sa kanyang tagumpay.