Some people will teach others that random photo-tagging in Facebook is not spam. Do you really believe that? When someone tags you in a photo, and you’re not in that photo, and the photo is just a commercial advertisement, what do you feel?
Probably not as bad as Sammy the Spammer (hindi niya tunay na pangalan)…
Gulat na gulat si Sammy the Spammer.
Di niya maintindihan kung bakit sumabog sa galit yung ibang random friends niya sa Facebook, nung ti-nag sila ni Sammy sa isang photo (na sa totoo lang ay isang ad) sa Facebook.
“Pwede naman nila i-untag yung photo, ah… Bakit sila nagwawala?”
Napa-iling na lamang si Marky the Marketer (di rin nya tunay na pangalan).
“Pareng Sammy, iba na kasi ang panahon ngayon.”
“Anong iba na? Ambilis naman… Ilang buwan pa lang ah,” banat ni Sammy.
“Idilat mo ang iyong mga mata, Sammy. May RA 10175 or Cybercrime Prevention Act of 2012 na hot na hot na topic ngayon.”
“Weno ngayon, Marky? Di ba tutol naman dun ang mga tao?”
“Nagbabasa ka ba ng news, Sammy? Tutol ang mga tao sa mga provisions on LIBEL. May naririnig ka bang tumututol sa mga probisyon ukol sa SPAM?”
Nagitla si Sammy.
“Ma-ma-makukulong ba ako, Marky?”
Image courtesy of bejim / FreeDigitalPhotos.net
“Eh kung walang magreklamo, eh di walang kaso, Sammy.”
Napangiti si Sammy.
“Pero Sammy, willing to take the risk ka ba?”
Namutla si Sammy.
“Pareng Marky… bakit ba sila nagalit sa akin? Ang OA naman nila!”
“Sammy… mag-isip ka. Pasensyoso ang Pinoy,” marahang sinabi ni Marky.
“Eh yun naman pala! Bakit nga nagalit sa akin?!” sigaw ni Sammy the random photo-tagging spammer.
“Napuno na kasi sila. Hindi ikaw ang unang nag-photo-tag sa kanila nung mga ads mo.”
Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Spammy… este, si Sammy.
“Naiitindihan ko, Marky. Napuno na ang madlang people.”
“Korak ka jan! Nagkataon na ikaw ang ika-limang tao ng nang random photo-tag sa iyong FB Friend, kaya ayun… nagpatong-patong na.”
Naalala ni Sammy na andami na nga palang katulad niya na kaliwa’t kanan kung mang-random photo-tag sa Facebook.
Walang masabi si Sammy kundi: “Bakit ako?! I was not informed!”
Isipin mo ito: Hindi lang ikaw ang nagma-market sa Facebook gamit ang maling style na Random Photo-Tagging.
At sa dami ng mga nag-ma-market ng produkto mo, hindi malayong isipin na ang mga taong ifo-photo tag mo ay ilang beses nang na-photo tag ng parehong advertisement ng mga ka-tropa mo.
TIP: Basahin mo ang RA 10175, lalu na yung Section 4.
Bakit mo pa ipagpipilit ang obvious na maling paraan ng marketing? Eh may ibang mga paraan naman na hindi labag sa RA 10175?
Kaya huwag tularan si Sammy the Spammer.
Magbasa ka at mag-isip. May panahon ka pang magbago ng diskarte.
Nakasalalay ang FUTURE mo sa mga susunod mong gagawin. Good luck!
(The above story is a form of social service to our kababayans who are learning Online Marketing.)