“Sulat ni Nanay at Tatay” translates to “Letter from Mom and Dad”, and is a poem written by Fr. Ariel Robles. It is a message written from the point of view of aging parents, and seeks to gain more understanding and patience from the now grown-up children…
The video Sulat Ni Nanay At Tatay was uploaded to YouTube by MyNameIsMarvinTantoy.
The instrumental music played in the background is slower version of “Kiss The Rain” (Yiruma) [original full version], and may be partly the reason why some viewers end up crying while watching the video.
The video shows a modified Taglish version of Sulat ni Nanay at Tatay.
Here are the words (as shown in the video):
Sulat ni Tatay at Nanay
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan
kapag dala ng kalabuan ng mata
ay nakabasag ako ng pinggan.o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan
huwag mo sana akong kagagalitanMaramdamin ang isang matanda.
Nagseself-pity ako tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tainga ko at hindi kita maintindihan,
huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi.Pakiulit na lang ang sinabi mo
o pakisulat na lang.Pasensiya ka na, anak…
Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tumayo.
Katulag ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.Pagpasensiyahan mo sana ako
kung ako man nagiging makulit
at paulit-ulit na parang sirang plaka.Basta pakinggan mo na lang ako.
Huwag mo sana akong pagtawanan
o pagsasawaang pakinggan.Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yung sasabihin.
Maghapon kang mangungulit hanggang
hindi mo nakukuha ang gusto mo.Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy-matanda, amoy-lupa.Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan.
Huwag mo sana akong pandirihan.Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag ayaw mong maligo.Pagpasensiyahan kung madalas, ako’y masungit.
Dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.Kapag may konti kang panahon,
magkuwentuhan naman tayo.Kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay,
maghapong nag-iisa.Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho.
Kahit alam kong hindi ka interesado
sa mga kuwento ko.Natatandaan mo ba anak
noong bata ka pa?Pinagtiyagaan kong pakinggan
at intindihin ang pautal-utal mong
kuwento tungkol sa iyong teddy bear.At kapag dumating ang sandali
na ako’y magkakasakit at maratay
sa banig ng karamdaman…huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensiyahan mo na sana…
kung ako man at maihi o madumi sa higaan.Pagtiyagaan mo sana akong alagaan
sa mga huling sandali ng aking buhay.Tutal hindi naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali
na aking pagpanaw…hawakan mo sana ang aking kamay
at bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan.At huwag kang mag-aalala…
kapag kaharap ko na ang
Diyos na lumikha
ibubulong ko sa Kanya
na pagpalain ka sana…Dahil mapagmahal ka
sa Iyong Ama’t Ina.(Salamat po sa inyong pag-aalaga
Mahal na mahal ko po kayo Nay at Tay.)
Notice how different your experience is when you simply read a poem (in full text form), versus watching each line unfold slide after PowerPoint slide, with slow music in the background?
That’s the emotional power of multimedia presentations.
So, have you chatted with your parents lately?
Here’s the Kapampangan version (Sulat ning tatang ampo ing ima king kayang anak…):
Source: http://www.youtube.com/watch?v=KMQ-EjktOac (bhujoy27)