Here is the e-text of Florante at Laura. Over time, we will add the talasalitaan (vocabulary guide). Simply place your mouse over the highlighted Tagalog words that you don’t understand, and the meaning will appear.
This will help you memorize your talasalitaan, and even review and test yourself.
UPDATE: List of Talasalitaan (via AASaintClare)
Aba – dukha
Agam – agam-alinlangan
Ambil – api
Amis – api, agrabyado
Apula – pigil, hinto, kontrol, supil
Arabal – panirahang pook sa paligid ng lungsod;karatig-pook
Baguntao – lalaking pumapasok sa yugto ng pagiging binata
Balakyot – taong tuso, at mapagbalatkayo
Balawis – mabangis; mabagsik, suwail
Balino – madaling magbago ng layunin; magaling magkunwari
Balisbis – tuluy-tuloy na agos ng tubig o luha
Baluti – anumang kasuotang pansanggalang
Basalyo – alagad; tauhan
Batbat – namumutiktik; lipos; nagagayakan
Bidbid – tali
Bihay – pilas; warak; wakwak
Binit – pagbatak ng tali upang umigting, gaya ng pagbatak sa tali ng pana.
Burok – pamumula, halimbawa ng pisngi
Busog – makunat na piraso ng kahoy at katulad na binaluktot sa pamamagitan ng isang piraso ng katad o nylon na maigting na nakatali sa magkabilang dulo nito. Ang bow sa “bow and arrow”
Dambana – altar
Darang – bisa ng matamang pakiusap o paglapit na nakatutukso
Ditso – linya sa dula
Dusta – pag-alipusta
Ehersito – hukbo
Emir – titulo ng o tawag sa pinuno ng Muslim
Estangke – deposito ng tubig; tangke; hukay na may nakaipon na tubig. (Estanque is the Spanish word for the English word “pond”, which in Tagalog is “dagat-dagatan”)
Habag – awa
Handulong – agresibo
Hilahil – dusa; dalita
Hilom – paggaling ng sugat
Himpil – paghinto upang magpahinga o tumahan; tigil
Hinagpis – pagdadalamhati
Hinuhod – magbigay ng pahintulot
Hugos – pagbaba ng anuman mulasa mataaas na kinalalagyan
Iring – hamak na pagtingin o palagay
Iwa – pag-aalaga; pagkalinga
Kalatas – pahatid;mensahe
Kapagkaraka – agad; nuon din; kagyat; sa oras ding iyon
Karsel – bilangguan
Kiyas – tikas; kisig; itsura
Kubkob – napaligiran; napalibutan
Lamad – malambot at manipis na balat at iba pang katulad na estrukturang manipis
Lamuyot – masidhing paghimok o paghikayat
Likat – tumigil o huminto
Lilo – taksil
Lingap – pagkalinga, pagtangkilik
Linggatong – pagkagulo ng isip dahil sa isang tila hindi malutas na suliranin
Linsil – mali; lisya
Lugami – nanghina dahil sa suliranin o balakid
Luhog – samo
Magaso – kilos na maharot; hindi mapalagay
Marawal – hamak; aba; di-marangal
Monarka – soberanong may titulong hari, reyna, emperador
Mook – laban; hamok, sagupa
Muog – tanggulan o kuta; balwarte
Nahan – nasaan
Nanaw – pinaikling salitan ng pumanaw, naglaho
Naparool – nasawi; nabigo
Nasnaw – lumakas
Paknit – mawala
Palamara – taksil
Pamimiyapis – pagdaluhong, pag-atake
Panihala – pamamahala
Panimdim – anumang gumugulosa isip
Panihala – pamamahala
Pintuho – pagsuyo sa isangminamahal; paghanga; paggalang
Pita – ibig; matinding pag-asam
Plumahe – bungkos ng balahibo ngibon, nakatali sa isang dulo at ginagamit na palamuti, lalo sa sumbrero
Pugal – mahigpit na pagkakatali
Pulpol – upod; mapurol
Pupas – kupas; lipas na kulay
Pusikit – napakadilim, kuting (joke lang… just testing if you’re reading this)
Sakbat – anumang inilalagay nang paalampay sa balikat at tumatawid sa dibdib pababa sa baywang.
Salabid – pagsabit; pagkapulupot o pagkapatid ng paa, gaya sa lubid o alambre
Sansala – saway; pigil
Sayod – ubos na lahat; walang natira
Sigabo – ingay na sabay-sabay
Sinikingan – binirahan o sinarhan ang bibig
Siphayo – pagkabigo sa layunin
Soldado – sundalo, kawal
Sukab – taksil; traydor
Sula – hiyas na makinang
Suob – pagpuri o pagbibigay parangal
Tabsing – pag-alat ng tubig tabang dahil sa pagsanib ng tubig dagat (brackish water)
Tatap – malaman o maintindihan
Tighaw – pagginhawa mula sa kahirapan
Tigib – punung-puno; lipos
Timawa – alipin; dukha; mahirap
Tingni – tingnan; tanawin
Tudla – pagpapatama ng patalim sa inaasinta; pagpuntirya
Tumok – kalaguan ng tubo ng mga damo, lalo na ang matataas na talahib o kugon
Tunod – palaso; katawan ng palaso
Turbante – putong
Utas – wala nang buhay
Walat – pagkasira o pagkawasak
Watasan – maunawaan o maintindihan
Status: This is a work in progress…
***First etext edition prepared by: May Lim (mtlim@usa.net)
and Arlene Lim (arlenelim@hotmail.com)
———————————————————–
Florante at Laura
ni Francisco Balagtas
Kay Selya
1
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib
2
Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
3
Makaligtaan ko kayang di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
4
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.
5
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
6
Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso’t panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at di mananakaw magpahanggang libing.
7
Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan;
sa ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
8
Di mamakailang mupo ang panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.
9
Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
sa buntunghininga nang ikaw’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring langit,
paraiso naman ang may-tulong silid.
10
Nililigaw ko ang iyong larawan
sa Makatang Ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
11
Nagbabalik mandi’t parang hinahanap
dito ang panahong masayang lumipas:
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
12
Parang naririnig ang lagi mong wika
“Tatlong araw na di nagtatanaw-tama,”
at sinasagot ko ng sabing may tuwa
“Sa isa katao’y marami ang handa.”
13
Anupa nga’t walang di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha’y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”
14
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
15
Bakit baga noong kami’y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Selya’y di ka mapaparam.
16
Itong di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako’y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.
17
Selya’y talastas ko’t malabis na umid
mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig;
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ang tainga’t isip.
18
Ito’y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
19
Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop
tubo ko’y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo’y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.
20
Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.
21
Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.
22
Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo’y ang M. A. R.
sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B.