Narito ang mga sari-saring bagay tungkol ng Kabanata 2 (Si Crisostomo Ibarra) ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal…
Ano ang malalaman o mapapansin natin kay Crisostomo Ibarra (Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin):
- Ipinakilala siya ni Kapitan Tiago bilang anak ni Don Rafael Ibarra, kaibigan ni Kapitan Tiago.
- Pinagmasdan siya ng madla, at maraming nagpalakpakan pa.
- Nakasuot ng itim si Crisostomo (nakaluksa).
- Medyo matangkad si Ibarra.
- Masayahin ang mukha niya.
- Mamula-mula ang kanyang mga pisngi.
- May 7 taon siyang nasa malamig ng Europa, kung saan siya nag-aral.
- Hindi pa niya alam kung ano ang ginawa ni Padre Damaso sa ama ni Ibarra.
- Sinubukan niyang makipag-usap sa mga Filipina, pero dinedma lang siya.
- Nagme-may I explain siya na ginagaya lamang niya ang gawain sa Germany nung ipinakilala niya ang sarili niya sa isang grupo ng mga kalalakihan.
- Di natin malaman sa ngayon kung mayabang si Ibarra, o medyo insecure lamang.
Kinakabahan yata si Padre Damaso nung nilapitan ni Tiniente Guevara si Ibarra. Akala niya siguro na ibubuking na siya ng tiniente sa lapastangang ginawa niya sa ama ni Crisostomo Ibarra. Malamang, dahil sundalo si Tiniente Guevara at hindi mahilig sa showbiz, wala siyang ibinahagi kay Ibarra na eksplosibong rebelasyon.
Si Kapitan Tinong (matalik na kaibigin ni Kapitan Tiago) ay nakatira sa Tondo. Ito ay naging arrabal (o lugar para sa mga mahihirap) ng Maynila nung panahon ng mga Kastila sa Pilipinas.
Pansinin po natin na si Kapitan Tinong ay nakasuot ng mga butones na brilyante sa kanyang pitsera, o bahagi ng damit sa tapat ng kanyang dibdib.
Natapos ang Kabanata 2 nung sinabi ng isang serbidor ng Cafe La Campana (sa Escolta nuon, na ngayon ay Tomas Pinpin St., Manila) na maaari nang kumain ang mga tao. Yung mga Filipina, kinailangan pang pilitin sapagkat iyon ang kulturang umiiral noon (pakipot).
Cafe La Campana sa Sevilla, Espanya (Seville, Spain)
From the video, did you see when La Campana was founded? Did you catch the man say “Filipina” in the video?
La Campana is Sevilla’s most famous and oldest destination for pastries, sweets and coffee.
Kaya malamang, masarap ang handa sa bahay ni Kapitan Tiago. 🙂
Ano po ang inyong mga tanong tungkol sa Kabanata 2 (Si Crisostomo Ibarra) ng Noli Me Tangere?