Jose Rizal’s Noli Me Tangere has such wonderful passages, and choice paragraphs of the Tagalog or Filipino Translation (Almario) are assigned to Filipino students for memorization. Yes, they will deliver those in front of their class.
Have you ever tried listening? Some people will simply deliver it without passion, just to get it over and done with. In other words, walang buhay.
So let’s try something. We will post some selected portions, and we will later upload MP3 recordings of us reading these passages out loud.
Kabanata 21, Pahina 139 (Almario), Talata 8:
[S3AUDIO FILE=’nolimetangere/noli-kab21-sisa-sawimpalad.mp3′]
Nagbalik and sawimpalad sa kaniyang bahay at nagsimulang pasigaw na tumawag: Basilio! Crispin! Panaka-nakang humihinto at matamang nakikinig. Inulit ng alingawngaw ang kaniyang tinig. Ang matamis na aliw-iw ng tubig sa kalapit-ilog, ang tugtugin ng mga dahon ng kawayan ang mga tanging tinig ng pamamanglaw. Muli siyang tumawag, umakyat sa isang dalisdis, bumaba sa libis, lumusong sa ilog, pasuling-suling ang mga matang may nakabadhang kakila-kilabot.
Kabanata 21, Pahina 140 (Almario), Talata 2:
[S3AUDIO FILE=’nolimetangere/noli-kab21-marahil.mp3′]
Marahil, bibigyan siya ng langit ng ilang oras ng pagtulog, upang pawiin ng mga di-nakikitang pakpak ng anghel, sa pamamagitan ng banayad na haplos sa kaniyang maputlang mukha, ang kanyang mga alaala na nalipos sa hapis. Marahil lubhang napakabigat ng pagdurusa upang matiis ng mahinang tao, kaya maaaring mamagitan ang Inang Mapagkalinga sa bisa ng kaniyang matamis na paglunas–ang paglimot. Anuman ang nangyari, kinabukasan, palabuy-laboy si Sisa, ngingiti-ngiti, aawit-awit, kinakausap ang buong kalikasan.